Welcome sa National Anti-Poverty Commission ang P100 umento sa minimum daily wage na isinusulong sa Senado.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni NAP-C ASR for Formal Labor Sector Danilo Laserna na katunayan ay P150 ang orihinal na nais nilang dagdag-sahod.
Gayunman, sinabi ni Laserna na mas mabuti nang magkaroon ng taas-sweldo kaysa wala.
Idinagdag pa ng opisyal na pinag-aaralan nila ang lahat ng posibilidad na magbibigay-daan sa pagtaas ng minimum wage.
Samantala, iginiit din ni Laserna na napakarami nang tax incentives na ibinigay sa mga korporasyon at kumpanya sa ilalim ng iba’t ibang batas tulad ng One Town, One Product Philippines Program at Create Law, at ang maitatabi umanong pondo ay maaaring gamitin para punan ang kakulangan sa sahod ng mga manggagawa upang makasabay ito sa inflation.