dzme1530.ph

Mayorya ng Pinoy, pabor na tumulong ang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng nakalipas na administrasyon

Mas maraming Pilipino ang pabor na makipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.

Sa resulta ng Dec. 10-14, 2023 survey ng OCTA Research sa 1, 200 respondents, 55% ang nais na tumulong ang pamahalaan sa ICC sa imbestigasyon sa madugong drug war.

45% naman ang tutol na makipagtulungan ang kasalukuyang administrasyon sa ICC.

Samantala, lumabas din sa kaparehong OCTA survey na 59% ng mga Pinoy ay pabor na muling maging bahagi ng ICC ang Pilipinas habang 41% ang tutol.

About The Author