dzme1530.ph

Big-time oil price hike, naka-ambang ipatupad sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista!

Naka-ambang magpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Base sa 4-day Oil Trading, sinabi ni Dept. of Energy Oil-Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero na maaaring umabot sa P1.10 hanggang P1.50 ang madagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene.

Ini-uugnay ang posibleng oil price hike sa nagpapatuloy na giyera sa middle east sa border ng Lebanon, pagdami ng suplay ng krudo sa America, at ang pagtaya ng Organization of the Petroleum Exporting Countries(OPEC) sa mataas na demand ngayong taon.

Karaniwan namang ina-anunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinatutupad sa kasunod na araw o Martes.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis, kung saan P0.60 ang tinapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, sampung sentimo sa diesel, at P0.40 sa kerosene.

About The Author