dzme1530.ph

DND Chief, inutusan ang mga kampo ng militar na magtipid sa tubig sa harap ng El Niño

Ipinag-utos ni Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa lahat ng kampo ng militar na magtipid sa tubig upang maibsan ang epekto ng El Niño o matinding tagtuyot.

Inatasan ni Teodoro ang mga commander ng lahat ng military camps sa bansa na pangunahan ang water conservation.

Ipinaku-kumpuni rin ang mga tumatagas na tubo upang maiwasan ang pag-aaksaya ng tubig.

Ipina-alala pa ng DND Chief na ang lahat ng military personnel at maging ang kanilang dependents na nakatira sa loob ng military camps, ay dapat ding gawin ang kanilang parte sa whole-of-gov’t approach sa paglaban sa El Niño.

Iginiit ni Teodoro na kailangang suportahan at araw-arawin ang water conservation policy ng gobyerno, alinsunod na rin sa Executive Order no. 53 na nag-reactivate sa Task Force El Niño.

About The Author