dzme1530.ph

DSWD nanawagan ng mas maigting na suporta laban sa Online Child Sexual Abuse

Nanawagan ang Dep’t of Social Welfare and Development ng mas maigting na aksyon laban sa Online Child Sexual Abuse o Exploitation.

Sa Safer Internet Day for Children Philippines Event sa Pasay City, inihayag ni DSWD Usec. Emmeline Aglipay Villar na kailangang paigtingin ang mga hakbang sa pag-protekta sa mga bata mula sa mga pang-aabuso sa digital world, alinsunod sa Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Inoobliga umano nito ang pagkakaisa at pakikipagtulungan sa pagtupad ng mga mekanismo at sistema ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno, private entities, at partner institutions.

mababatid na inihayag ng council for the welfare of children na mahigit siyam na raang libong malalaswang websites na nagpapakita ng online child sexual abuse ang na-block sa bansa noong 2023, at ito umano ang nagpapakita ng mataas pa ring insidente ng online sexual abuse sa bansa.

About The Author