Nakatakdang ipatupad ang 20% na dagdag-singil sa tubig sa halos 120 na barangay sa Davao City ngayong taon.
Ayon sa Davao City Water District (DCWD), ito ay ang second tranche ng water rate hike kung saan, ipinatupad ang first tranche noong 2022.
Para sa residential at government connections, nasa P214.20 na ang minimum rate para sa first 10 cubic meters mula sa P178.50.
Aabot naman P22.50 ang madaragdag sa singil ng tubig para sa 11 hanggang 20 cubic meters; P29 para sa 21 hanggang 30 cubic meters; P38.50 para sa 31 hanggang 40 cubic meters; at P56.20 para sa mahigit 40 cubic meters.
Binigyang-diin naman ng water utility company na layunin nito na mapabuti ang kanilang mga proyekto at serbisyo.