Inaasahang lalago sa P354 billion ang spending growth ng household good sector sa 2028, ayon sa BMI Country Risk & Industry Research.
Ito ay matapos makitaan ng magandang datos sa housing market at pagtaas ng gastos sa pagbili ng mga gamit sa bahay ng middle at upper-income bracket.
Binigyang-diin ng research firm na nakatulong ang market sa Pilipinas, na binubuo ng local at international retailers na nag-aalok ng iba’t ibang produkto sa pamamagitan ng physical stores at online platforms.
Samantala, tinatayang aabot sa P270-B ngayong taon ang household goods sales.