Inihayag ng Department of Justice (DOJ) ang rekomendasyon sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga partidong responsable sa paglubog ng M/T Princess Empress noong 28 Pebrero 2023, na nagdulot ng malaking oil spill sa baybayin ng Oriental Mindoro.
Sinimulan na ang mga kaso batay sa mga kasong isinampa rin ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-ECD) at si Mayor Jennifer Cruz ng Palo, Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga respondents ang may-ari at nagpapatakbo ng M/T Princess Empress, na RDC Reield Marines Services, Inc.,ksama ang shipping company corporate officer at 19 na empleyado, Philippine Coast Guard (PCG) personnel, at 2 kawani ng Maritime Industry Authority (MARINA) na pare-parehong nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal.
Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mananagot ang mga responsable sa oil spill.
Anya” ng Kalihim ang kapabayaan ay hindi maaaring gawing dahilan upang sirain ang kapaligiran at kabuhayan ng mga tao.