Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat pang American sex offenders na makapasok sa bansa noong Chinese New Year .
Unang naharang ang 63-anyos na si Herbert Nelson Price, na hindi pinapasok sa NAIA terminal 1 noong Pebrero 7 nang dumating ito sakay ng Philippine Airlines flight mula Los Angeles.
Sumunod naman ang 68-anyos na si Thomas Dewey Wise na naharang sa NAIA 3 sakay ng Cathay Pacific flight mula Hongkong.
Naharang din sa NAIA 1 ang 65-anyos na si Keith Knight Bonzon na dumating sakay ng Korean Airlines flight mula Incheon, South Korea.
Pebrero 10, naman naharang ang 60-anyos na si John Kenneth Wilsher na dumating sakay ng Korean airlines flight mula Incheon.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, tinanggihan ng Immigration officer ang apat na Amerikano sa NAIA dahil sa kanilang mga kaso sa kanilang bansa at agad silang pinasakay sa susunod na available na flight pabalik sa kanilang port of origin.
Dagdag pa ni Tansinco gagawing ng BI ang tungkulin nito na pigilan na maging hub ng sex tourism ang Pilipinas.
Base sa kanilang datos umabot na sa 171 foreign sex offenders ang tinanggihan ng mga tauhan ng BI at pinagbawalan na makapasok sa bansa noong 2023 kung saan inilagay sila sa blacklist ng Immigration.