dzme1530.ph

Resupply missions sa West PH Sea, matagumpay

Naging matagumpay ang ‘resupply missions’ sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo sa kabila ng pag-aligid ng mga Chinese vessels.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon (BPN) Public briefing, inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman for the West Philippine Sea Jay Tarriela na ipinadala nila ang pinakamalaking barko na BRP Teresa Magbanua sa pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc mula Pebrero a-uno hanggang a-nuwebe.

Sa nasabing patrolya, namataan ang walong Chinese vessels, at apatnapung beses umano silang binuntunan at apat na beses silang hinarang ng mga barko ng Chinese coast guard.

Sa kabila nito, matagumpay pa ring napaabutan ng grocery gift packs ang nasa humigit kumulang isandaang mangingisdang Pinoy.

Samantala, sinabi rin ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Information Officer Nazario Briguera na noong Pebrero a-singko ay naipamahagi sa mga mangingisda sa Rozul Reef ang nasa labintatlong tonelada ng diesel, ready-to-eat snacks, at mga gamot.

About The Author