Kinontra ni Rep. Stella Luz Quimbo ang isinusulong na ₱100 pesos daily wage increase sa Senado dahil sa ‘inflationary effect’ nito.
Sang-ayon ang Vice Chairperson ng Committee on Appropriations na mabibiyayaan ng dagdag-sweldo ang mga manggagawa pero matindi ang balik nito sa mga consumers.
Wala umanong gagawin ang mga kumpanya kundi ang itaas ang presyo ng bilihin at serbisyo para makabawi sa idinagdag na gastos sa sweldo.
Una nito, nanawagan ang ilang Labor groups na itigil na ang Cha-cha at mas dapat talakayin ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inaasahan na ngayong linggo aaprubahan ng Senado ang ₱100 legislated wage increase bilang Valentine’s gift sa mga manggagawa.