Nagbunyi ang mga Kongresista sa lantarang pag-amin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na suportado nito ang isinusulong na Economic Cha-cha sa Kamara.
Para kay Congressman Robert Ace Barbers, signal ito sa mga mambabatas lalo na sa mga senador ang hayagang pagsuporta ng Pangulo na ma-amyenda ang Economic Provisions ng 1987 Philippine Constitution.
Ayon naman kay Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, sa sinabing ito ng pangulo, “alive and kicking” ngayon ang Charter reform.
Hamon naman ni Quezon Rep. at Deputy Speaker David Suarez sa mga Senador, umakto na nang mabilis at aprubahan na ang Resolution of Both Houses no. 6.
Kailangan umanong patunayan ng mga Senador na sila ay totoong partner ng pamahalaan sa ‘Nation building’ at hindi mga ‘obstructionists’.