dzme1530.ph

Legislated Wage Hike Bill, dapat iprayoridad ng senado

Napapanahon kaya’t dapat iprayoridad ng Senado ang panukalang ₱100.00 wage increase para sa pribadong sektor.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Lito Lapid kasabay ng pag-amin na hindi madali ang ganitong uri ng panukala dahil kailangang balansehin ang interes ng mga kumpanya sa interes ng mga empleyado.

Sa kabilang dako, ipinaalala ni Lapid na malaki ang maitutulong ng dagdag sahod sa pamilyang Pilipino upang masabayan ang patuloy na pagtaas ng Inflation rate.

Makatutulong din aniya ito sa ekonomiya sapagkat inaasahang tataas ang consumption ng publiko bunsod ng dagdag na sweldo.

Sa panig naman ni Senador Christopher “Bong” Go, iginiit niya na malaki na ang pangangailangan na matulungang maiangat ang living standards ng mga ordinaryong Pilipino sa gitna ng pagbangon mula sa pandemya.

Sa nagdaang taon aniya, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at marami sa business sectors ang nahinto at nagsara habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaya’t sa gitna nito, dapat aniyang tugunan ng gobyerno ang mandato nito na magbigay ng patas na sahod, benepisyo at oportunidad sa lahat ng mga Pilipino.

About The Author