dzme1530.ph

PBBM, inilunsad ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa

Pinalawak pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kadiwa ng Pangulo Program sa paglulunsad ng kauna-unahang “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa”.

Sa launching ceremony sa TUCP grounds sa Elliptical Road, Quezon City, inihayag ng pangulo na sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay itinatag ang bagong Kadiwa program para sa mga trabahador, sa harap ng wala pa ring patid na pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Kasabay nito’y ipinagmalaki ng chief executive na ang mga manggagawa ay silang inaasahan ng Pilipinas sa pag-ahon ng ekonomiya.

Kaugnay dito, sinabi ng pangulo na dapat tiyaking hindi maiiwan ang labor sector sa industriyalisasyon, at kailangang maramdaman ng lahat ng sektor ang pagganda ng ekonomiya.

Ibinebenta sa Kadiwa stalls sa mas murang halaga ang iba’t ibang mga produktong pang-agrikultura na direktang nanggaling sa mga magsasaka.

About The Author