Inanunsyo ng Manila Water company na makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig ang ilang lungsod sa Metro Manila dahil sa service improvement activities mula ngayong araw hanggang Marso 10.
Sa Makati City, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Poblacion dahil sa line meter at strainer declogging mula alas-8:00 mamayang gabi hanggang alas-3:00 ng umaga bukas, Marso 9.
Maaapektuhan din ang ilang bahagi ng Barangay Vasra at Project 6 sa Quezon City dahil sa pagpapalit ng line meter mula alas-10:00 ng gabi sa Marso 9 hanggang alas-4:00 ng umaga ng Marso 10.
Kabilang din sa makararanas ng water interruption ang Barangay East Rembo, Makati City; Barangay Highway Hills, Wack-Wack, at Pleasant Hills sa Mandaluyong City; Barangay Dela Paz, Pasig City; at Barangay Fort Bonifacio, Taguig City dahil sa leak repair, line meter, at strainer declogging.
Samantala, pinayuhan ng Manila Water ang mga residente ng mga nasabing lugar na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahon ng mga aktibidad sa pagpapabuti ng serbisyo.