dzme1530.ph

PBBM, nakiisa sa mga Muslim sa pagdiriwang ng Al Isra’ wal Miraj

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Muslim sa pagdiriwang ng Al-Isra’ wal Mi’raj o ang “Night journey and ascension of prophet Muhammad”.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang kaluwalhatian ni Allah at ang naghihintay na hindi matutumbasang pabuya sa pananatiling tapat sa pananampalataya.

Ang Al-Isra’ wal Mi’raj ay ito rin umanong nagiging daan sa mga Muslim para maging tagapalaganap ng pagbabago sa mundo.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na ang okasyon ay mapanghuhugutan ng katatagan at pag-asa sa harap ng mithiin para sa mas mapayapa, inklusibo, at progresibong bayan para sa lahat ng Pilipino.

Mababatid na deklarado ang holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at iba pang muslim-majority areas ngayong araw, habang entitled din sa holiday ang Muslim gov’t employees sa labas ng BARMM. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author