Inirekomenda ng Economic Managers ng Pangulong Bongbong Marcos na baguhin ang working hours sa loob ng ahensiya ng gobyerno, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Imbes aniya alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon pumapasok ang mga kawani ng gobyerno pinag-aaralan itong gawing alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Plano ring limitahan sa 25 degrees ang default temperature setting ng air-conditioning units sa mga opisina upang makatipid sa kuryente.
Ayon sa Economic team ni PBBM ang kanilang rekomendasyon ay makatutugon sa mataas na halaga ng enerhiya sa bansa, na itinuturing na pinakamahal sa Southeast Asia.
Matatandaang noong nakaraang taon, una ng iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang 4-day workweek para tugunan ang posibleng kakulangan sa suplay ng enerhiya.