Sumakay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa FA– 50PH 007 fighter jet ng Philippine Air Force para sa flight demonstration capability sa Clark Airbase sa Pampanga.
Binigyan ang Pangulo ng callsign na “Lawin”, at nakasuot ito ng full-aviator gear.
Nagsilbing piloto ng sinakyang fighter jet ng Pangulo si Air Force Lt. Col. Malbert Maquiling.
Tumagal ng humigit-kumulang isang oras ang flight demonstration, at pagkatapos ng ligtas na paglipad ay sumabak si Marcos sa ‘fighter’s toast’.
Una nang sinabi ng Pangulo na tumatayo ring Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas na ang FA-50PH fighter jets ng Air Force ay magpapalakas sa maritime patrol capability at sa pagbabantay sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.