dzme1530.ph

Higit na 600 mga Persons Deprived of Liberty, pinalaya

Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang karagdagang 632 mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para sa buwan ng Enero.

Kabilang dito ang 86 ang napawalang-sala, 26 ang expiration of maximum sentence, 477 expiration of maximum sentence sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), 19 ang nabigyan ng probation at 24 naman ang nabigyan ng Parole.

Dahil dito, umabot na sa 11,347 ang bilang ng mga PDL ang napalaya mula nang maupo si Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na magpapalabas sila ng mas maraming kwalipikadong PDL kapag nalutas na ng Korte Suprema ang isyu sa GCTA sa mga kasong may kaugnayan sa mga karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Catapang kung maresolba ang naturang isyu mahigit sa limang-libo hanggang sampung-libong mga PDL ang maaring mapalaya ng BuCor.

Samantala, 500 PDL naman ang inilipat mula sa New Bilibid Prison patungo sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong nakaraang linggo bilang bahagi ng programa ng BuCor na mapaluwag ang pasilidad ng ang New Bilibid Prison.

–Sa panulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author