dzme1530.ph

Pilipinas at Vietnam, magtutulungan upang maiwasan ang mga insidente sa South China Sea

Sinelyuhan ng Pilipinas at Vietnam ang Memorandum of Understanding para sa kooperasyon sa pag-iwas sa mga insidente sa South China Sea.

Sa ilalim ng Memorandum of Understanding on Incident Prevention and Management in the South China Sea, palalakasin ng dalawang bansa ang koordinasyon sa maritime issues, katuwang ang ASEAN at iba pang dialogue partners.

Ito ay sa pamamagitan ng mga dialogue at cooperative activities na magpapaigting ng tiwala, kumpiyansa, at pagkaka-unawaan ng magkabilang-panig.

Samantala, nilagdaan din ang Memorandum of Understanding on Maritime Cooperation sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCO) at Vietnam Coast Guard.

Sa bisa nito, bubuuin ang Joint Coast Guard Committee kasabay ng pagtatatag ng Hotline Communication Mechanism.

Mababatid na ang Plipinas at Vietnam ay kapwa may sigalot sa teritoryo laban sa China.

–Sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author