dzme1530.ph

Kamara, hinihintay ang sulat ng Comelec sa pagpapahinto ng People’s Initiative (PI)

Hinihintay ng buong Kamara ang ‘formal announcement in writing’ ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa impormasyong ihihinto muna nila ang lahat ng aktibidad kaugnay sa People’s Initiative (PI).

Ayon kay Albay Congressman Joey Salceda, hindi maaring kumilos ‘unilaterally’ o mag-isa ang COMELEC na ibasura o i-delay ang “hakbang ng taong-bayan” sa pagtanggi na ipatupad ang probisyon ng Konstitusyon, batas at rules and regulation No. 10650, series of 2020 na sila rin ang bumalangkas.

Sa COMELEC rules kaugnay ng Republic Act 6735, ang Election Officer ay obligadong mag-isyu ng certification sa oras na matanggap ang mga lagda ng petitioners.

Sa ngayon ang tanging argumento ng mga kontra sa PI ay kung politiko nga ba ang nasa likod nito, bukod sa ilang credible lawyers at economists na matagal nang nagsusulong ng Charter Change.

Ang lahat ng ito aniya ay balewala dahil bilang dating Chief-of staff ni late Rep. Raul Roco na siyang principal author ng RA 6735, hindi tinutukoy kung pulitiko o regular voters lamang ang maaring mag-initiate ng PI.

Saad pa ni Salceda, kahit na ang Supreme Court ay nagiging liberal sa paggawad ng desisyon kung ito ay “construed popular action” o sumasailalim sa interpretasyon.

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author