Naniniwala si Senador Bong Go na panahon nang bisitahing muli ang Anti-Hazing Law upang mabago ang mga probisyong maaari pang patibayin para labanan ang karahasan sa mga kapatiran.
Sinabi ni Go na tila hindi pa sapat ang mga probisyon sa batas at kailangan itong dagdagan ng ngipin o tapang upang hindi na maulit ang pagkamatay ng mga nagnanais maging miyembro ng fraternity.
Atubili naman si Go sa mga panawagang ibasura ang mga panukala para sa pagbabalik ng mandatory ROTC sa kolehiyo.
Sinabi ng senador na maganda ring disiplina ang ROTC sa kabataan bukod pa sa matututo sila ng iba pang kasanayan tulad ng disaster response.
Hindi rin pabor ang mambabatas sa mga panukalang i-abolish na ang mga fraternity sa mga paaralan sa pagsasabing kailangan pa itong pag-aralang mabuti lalo na’t matagal na itong nag-eexist sa mga unibersidad at kolehiyo.