Makatatanggap ng tig-₱10,000 Humanitarian Aid mula sa pamahalaan ang mga filipino worker na hindi pa nababayaran ang kanilang suweldo at benepisyo ng dati nilang employers sa Kingdom of Saudi Arabia.
Sinabi ni Department of Migrant Workers secretary Toots Ople na magre-release ang gobyerno ng P100-M para ayudahan ang mga OFW habang hinihintay ang resulta ng pag-uusap ng Pilipinas at Saudi Arabia tungkol sa back pay.
Ang pondo ay babalikatin ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Department of Social Welfare and Development.
Idinagdag ni Ople na batay sa kanilang record, mahigit 100 saudi claimants ang pumanaw na habang hinihintay na matanggap ang kanilang naipong back wages mula sa Saudi construction firms.
Ang Saudi Oger ltd., Mohammad Al Mojil Group, at iba pang construction firms ay nagdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016, kung saan naapektuhan ang halos 13,000 OFWs.