Sinampahan na ng pulisya ng patong-patong na kaso ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Police Lt. Col. Gerard Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group Degamo, kinasuhan ang mga gunman ng multiple murder, multiple frustrated murder, at illegal possession of firearms and explosives.
Ang unang dalawang kaso ay inihain sa Provincial Prosecutor’s Office sa Dumaguete City, kaninang umaga habang ang dalawang iba pa ay sa Bayawan City Prosecutor’s Office.
Idinadag ni Pelare na nagpapatuloy pa ang hot pursuit operations para madakip ang iba pang mga nakalalayang suspek.
Sa kasalukuyan ay apat na suspected gunmen na pawang naaresto sa Bayawan City ang nasa kustodiya ng mga otoridad habang isa pang suspek ang napaslang sa shootout.