dzme1530.ph

Paunang lunas sa paso, ating alamin!

Itinakda ang fire prevention month tuwing buwan ng Marso dahil ito ang pinakamainit na buwan ng taon dito sa Pilipinas.

Bilang paghahanda, ipinapayo na pag-aralan ang mga paunang lunas sakaling makaranas ng paso lalo na ang first degree burn na pwedeng matamo sakaling magkaroon ng sunog.

Isa sa mga paunang hakbang ay ang pagpapalamig sa paso sa pamamagitan ng paglubog nito sa malamig na tubig o paggamit ng cold compress sa loob ng 10 minuto o hanggang mawala ang sakit.

Sundan ito ng pagpapahid ng petroleum jelly isa o dalawang beses sa isang araw, takpan ang paso gamit ang non-stick o sterilized bandage kung wala itong paltos.

At huli, protektahan ang nasabing paso sa direktang init ng araw upang hindi na lumala.

About The Author