Tuloy pa rin ang klase sa mga paaralan sa kabila ng isang linggong transport strike.
Ito ang binigyang-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kung saan itinuring niya bilang “problematic” ang kasalukuyang tigil-pasada ng ilang transport groups.
Ani Duterte, tutol siya sa transport strike dahil magdudulot lamang ito ng abala sa mga mag-aaral maging sa learning recovery efforts ng pamahalaan.
Gayunpaman, sa kabila ng tigil-pasada ay ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang in-person at alternative delivery modes of learning na kasalukuyan na ring isinasagawa ng ilang local government units (LGU) sa NCR.