Nakahanda ang railway lines sa pagpapalawig ng kanilang operasyon upang tugunan ang inaasahang epekto sa mga mananakay ng week-long transport strike ng grupo ng jeepney drivers at operators.
Ayon kay Undersecretary for Railways Cesar Chavez, magdaragdag ang Philippine National Railways (PNR) ng 14 pa na biyahe, kung kaya’t inaasahang aabot sa 60 total trips ang magagawang biyahe ng PNR trainsets ngayong araw.
Ayon pa kay Chavez, bagamat nasa normal na operasyon ang MRT-3, bukas pa rin ito sa posibilidad na palawigin ang operasyon ng huling biyahe mula North Avenue station hanggang alas-10:00 ng gabi.
Gayundin ang biyahe mula sa Taft Avenue station na mula alas-10:11 na hanggang alas-10:41 ng gabi.
Samantala, posible ring pahabain ng 30 minuto ang regular trip ng LRT-2 sakaling mapalawig ang huling biyahe.