dzme1530.ph

SEC, Modus ng isang Investment Company bistado!

Naglabas ng Cease and Desist Order ang Security Exchange Commission (SEC) laban sa SuperBreakThrough Enterprises, Corp., isang marketing company na gumagamit ng pangalang 1UP Time dahil sa ilegal na pangangalap nito ng investment sa publiko na walang karampatang lisenya mula sa ahensya.

Sa desisyon ng Commission En Banc, ipinag-utos ng SEC ang agarang pagpapatigil sa operasyon ng nasabing kumpanya at pagpapahinto sa mga transaksyon nito kabilang ang pangangalap, pag-aalok at pagbebenta ng anumang uri ng investment contract na walang kaukulang pahintulot at lisensya mula sa SEC.

Sakop sa nasabing kautusan ang si Juluis Allan Nolasco, presidente ng SuperBreakThrough Enterprises Corp., kasama ang kanilang mga kawani at mga ahente nito.

Una ng naging subject ng Cease and Desist Order si Nolasco dahil sa sinasabing promotion ng kanyang illegal investment activities na pinadadaan sa Alphanetworld Corporation o maskilala sa NWorld.

Lumalabas sa naging resulta ng monitoring Activities ng SEC – Enforcement and Investor Protection Department, sa NWorld kay Mr. Nolasco.

Nabisto ang operasyon ng SuperBreakThrough kung saan nag-aalok ito ng Investment Packages na health, wellness, skincare, and personal care products sa social media platforms sa YouTube at Facebook.

Ang nasabing alok ay nagkakahalaga naman ng P10,000 hanggang P188,000 piso, kasunod ng pangako na 25% to 35% na product discount, recruitment bonuses, at iba pang incentives.

Bagama’t rehistrado sa SEC ang SuperBreakThrough Enterprises Corp., wala umanong secondary license ang kumpanya na nagpapahintulot na mag-alok ng investment contract sa publiko.

###

About The Author