Binigyan ng financial assistance ng gobyerno ang mga biktima ng karumal-dumal na pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), binigyan ng 50,000 piso na tulong ang mga pamilya ng mga nasawing indibidwal. Isasagawa rin ang assessment upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga na-ulilang pamilya. Binigyan naman ng 25,000 piso ang anim pang mga biktimang na nasa Amai Pakpak Medical Center.
Una na ring nagpabot 5,000 pisong tulong sa mga nasugatan para sa transportation assistance at 2,000 piso na medical assistance. Ang tulong ay nagmula sa Office of the Presidential Adviser On Peace, Reconciliation, and Unity, Bangsamoro Government, at mga lokal na pamahalaan.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News