Nagbigay ang Department of Health (DOH) ng medical assistance sa mga komunidad na apektado ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker na Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Sa statement, sinabi ng DOH na itinurn-over nila ang available medical stockpiles ng iba’t ibang ospital, gaya ng mga gamot, face masks, nebulizers, at oxygen concentrators, sa Oriental Mindoro provincial government.
Mayroon din idineploy na DOH toxicology experts para suportahan ang onsite primary care providers.
Kabilang si DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa mga nagsagawa ng onsite inspection at evaluation sa health care at evacuation centers, pati na sa surveillance sa mga lugar na malapit sa oil spill.
Pebrero 28 nang lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 80,000L ng industrial fuel sa Naujan.