dzme1530.ph

DENR: 2 Reclamation Project sa Manila Bay, pinayagang ituloy

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinayagan nang magpatuloy ang dalawang reclamation projects sa Pasay City.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na ang Pasay 265 at Pasay 360 reclamation projects ay nakapasa sa Compliance Review Process.

Kabilang dito ang review sa kanilang Environmental Compliance Certificate, Area Clearances, at gayundin ang Community Impact Assessment o ang pagtukoy sa epekto ng mga ito sa komunidad.

Ang Pasay 265 ay pinamamahalaan ng Pasay Harbor Corporation habang ang Pasay 360 ay pinangungunahan ng SM Smart City Infrastructure and Development Corporation.

Mababatid na kamakailan ay sinuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang reclamation projects sa Manila Bay upang muling tingnan ang kanilang compliance.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author