Dalawang American companies ang magtatayo ng dalawang Hyperscale Data Centers sa Pilipinas para sa palakasin ng digitalization.
Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ini-ulat ng mga kinatawan ng Endec Development Corp. at Diode Ventures LLC ang umuusad na negosasyon sa pagtatayo ng Hyperscale Data Centers sa Tarlac at New Clark City simula sa 1st quarter ng 2024.
Welcome ito sa Pangulo bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon dahil napag-iwanan na ang Pilipinas sa digitalization.
Gagamit ang dalwang american company ng 100% renewable energy mula sa solar, wind, at hydro power para sa itatayong data centers, upang di mapektuhan ng kanilang operasyon ang power grids sa bansa.
Ang Hyperscale Data Centers ay ginagamit ng mga kumpanyang may malaking pangangailangan sa data processing at storage tulad ng Google, Amazon, Facebook, at Microsoft.