dzme1530.ph

VP Sara Duterte nagpaalala sa mga mambabatas kaugnay sa posisyon ni PBBM sa ICC

Pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas kaugnay sa binitiwang salita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakalipas na anim na buwan.

Ipinunto ni VP Sara ang sinabi ni PBBM na ang panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa mga usapin sa Pilipinas ay banta sa ating soberanya.

Binigyang diin pa ng Pangalawang Pangulo na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC hinggil sa usapin ng War on Drugs ng nagdaang administrasyong Duterte.

Hinimok naman ni VP Duterte ang Kamara na respetuhin ang posisyon ng Pangulo.

Naniniwala rin ang Presidente na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas matapos ang withdrawal ng bansa sa Rome Statute noong March 17, 2019.

Dagdag pa ni Duterte na huwag insultuhin at bigyan ng kahihiyan ang ating mga hukuman sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo na tayo ay naniniwala na mga dayuhan lamang ang tanging may abilidad na magbigay ng katarungan at hustisya sa ating sariling bayan.

—Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author