dzme1530.ph

Mga OFWs na nasa death row sa iba’t ibang bansa, pumalo na sa 83

Pumalo na 83 ang mga Pinoy na kabilang sa death row sa iba’t ibang bansa.

Ito ang tinuran ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ginanap na public hearing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, kahapon.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Raymund Cortez, mayorya ng mga nasa death row ay nasa bansang Malaysia na aabot sa limampu’t anim (56) na OFW; anim (6) naman ang nasa UAE; lima (5) sa Kingdom of Saudi Arabia; labing lima (15) sa US, China, Japan, Vietnam, Brunei at Bangladesh; at isa sa Indonesia kung saan ay kinasuhan si Mary Jane Veloso.

Sabi pa ni Cortez, may mga kinasuhan ding OFW ang hindi na ipinaalam sa Embahada ng Pilipinas dahil ang mga ito ay citizen na sa pinuntahang bansa.

About The Author