Itinuturing ni House Speaker Martin Romualdez na “breakthrough” sa paglaban sa cancer ang Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings o AC Health at Varian Medical System Netherland V.B. at Varian Medical Systems Philippines.
Ang MOA ay para sa pag-develop ng oncology clinics sa Pilipinas na ang hangad ay palakasin ang cancer diagnosis, treatment at prevention.
Si Romualdez kasama si PBBM ay sinaksihan ang signing ng MOU sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Summit sa Estados Unidos ay nagsabi na ang collaboration ng AC Health at Varian Medical system ay makabuluhang hakbang para palakasin ang cancer care sa bansa.
Salig sa kasunduan, ang Healthway Cancer Care Hospital ng AC Health ang magsisilbing hub ng Oncology clinics na nakakalat na sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Para kay Romualdez ang partnership ay tumutugma sa Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act na isinabatas noong February 2019.
Ngayong taon, ang cancer ay 3rd Leading Cause of Death sa Pilipinas kung saan may 141,021 ang naitalang bagong cancer cases habang 86,337 ang cancer deaths bawat taon.
—Ulat ni Ed Sarto, DZME News