dzme1530.ph

Kontrata para sa North-South Commuter Railway Project, nilagdaan na sa Palasyo

Sinelyuhan na sa Malakanyang ang ikatlong kontrata para sa North-South Commuter Railway Project.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa “CPNS-01” o ang kontrata para sa electro-mechanical systems and track works ng proyekto.

Bukod sa pangulo, dumalo din sa seremonya sina Transportation Sec. Jaime Bautista, Japan International Cooperation Agency Chief Representative Sakamoto Takema, Japanese Embassy Deputy Chief of Mission Kensuke Matsuda, House Speaker Martin Romualdez, at iba’t ibang mga kongresista at lokal na opisyal mula sa Pampanga, Bulacan, Metro Manila, at Laguna.

Ang North-South Commuter Railway Project ay magkakaroon ng habang 147km., at ito ang magiging pinaka-mahabang railway line ng Philippine National Railways na magpapa-ikli ng biyahe mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

About The Author