Pinabubuhusan ng pondo ni Senador Sherwin Gatchalian ang ilang programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makakatulong sa Education System ng bansa.
Sa deliberasyon sa proposed 2024 budget ng TESDA, tatlong rekomendasyon ang inilatag ni Gatchalian na tinanggap naman ng sponsor ng panukala na si Sen. Loren Legarda.
Kabilang sa iginiit ni Gatchalian ang pagdaragdag ng pondo sa Senior High School Assessment at Certification Support Program; pagpopondo sa pagpapalawak ng Accredited Assessors para sa National Certificate (NC) Qualifications; at ang Special Provision upang iprayoridad ang pagbalangkas ng Training Regulation para sa Upscaling at Child Development Workers.
Sinabi ni Gatchalian na sa pamamagitan ng kanyang mga rekomendasyon ay maiaangat ang sistema sa edukasyon partikular ang Senior High School System.
Mapalalakas din anya ang tsansa na agad makakuha ng trabaho ang mga Senior High School Graduates.
—Ulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News