Sisiyasatin ng Ways and Means Panel ang posibleng paglabag sa Tax Evasion at Tax Fraud ng FLAVA brand, isang pagawaan ng e-cigarette kasunod ng raid sa isang warehouse nito na kinakitaan ng mga smuggled goods.
Ayon kay Albay Cong. Joey Salceda, mahigit sa 728-million pesos ang hindi binayarang Excise Tax ng FLAVA brand dahil nasa 1.43-billion pesos ang halaga ng nakumpikang e-cigarette sa warehouse nito.
Isang bodega pa lang aniya ang na-raid subalit ganito kalaking kontrabando na ang nakita.
Lumilitaw din ayon kay Salceda na ‘misdeclared’ ang produkto dahil idineklara ito bilang freebase vape sa halip na ‘salt nicotine” na mas mataas ang tax rate.
Salig sa Republic Act 11467, ang salt nicotine vape ay tina-tax ng 52 pesos.
—Ulat ni Ed Sarto, DZME News