Inimbitihan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa bansang Timor-Leste matapos ang Bilateral Meeting ng Pangulong Marcos at ni Timor-Leste President José Ramos-Horta sa Malakanyang ngayong araw.
Nagpasalamat ang Pangulo sa imbitasyon at interesado umano siyang paunlakan ito upang palakasin pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Umaasa rin si Marcos sa pagtutulungan ng Pilipinas at Timor-Leste sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Pinuri naman ni Pangulong Horta ang Pilipinas dahil sa pag-suporta nito sa Independence Process at mithiin ng Timor-Leste na maging full-pledge member ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News