“Let’s ignore any political noise that comes our way.”
Ito ang pakiusap ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Congressman Aurelio “Dong” Gonzales Jr. para maabot ang 6% Economic Growth sa pagtatapos ng taon.
Inaasahan ni Gonzales ang paglago ng ekonomiya sa 4th Quarter ng 2023, higit na maganda sa 5.9% performance na nairehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong 3rd Quarter.
Aniya, growth period talaga ang last quarter ng bawat taon dahil sa Christmas season kung saan nakakatangap ng mga Year-end Bonus, Cash Gifts at Incentives ang lahat ng government at private workers.
Panahon din umano ito ng pagpapadala ng milyong OFWs sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Dahil dyan tumataas ang spending kaya halos lahat ng negosyo ay kumikita at gumaganda ang economic activities.
Bagama’t bahagyang kinapos sa target ang performance sa tatlong magkakasunod na quarters, malaking comfort naman ang pahayag ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na ang 5.53% Economic Expansion mula January hanggang September 2023 ay mas matibay kumpara sa 5.3% ng Vietnam, 4.9% ng China at Indonesia, at 3.3% ng Malaysia.
—Ulat ni Ed Sarto, DZME News