dzme1530.ph

PhilHealth, hinikayat na itaas sa 20-30% ang benepisyong ibinibigay

Hinikayat ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee ang PhilHealth na itaas sa 20% hanggang 30% ang benepisyong ibinibigay sa mga miyembro nito.

Natawag ang pansin ng kongresista sa 2023 Manulife Asia Care Survey na nagsabing 49% ng populasyon ay nangangamba sa gastusin kapag nagkakasakit.

Ayon kay Lee hindi ito nakakagulat dahil sa kanyang pag-iikot at maging sa FaceBook nya, ang numero unong hinihinging tulong ng taumbayan ay medical assistance.

37% din ng na-survey ay nangangamba na mawalan ng income o trabaho sa tuwing magka-kasakit, habang halos lahat ay ikinatatakot ang alinman sa sakit sa puso, diabetes at cancer.

Para kay Lee, sukatan ito na talagang matindi ang pangamba ng marami sa napakalaking gastusin sa pagpapagamot o pagpapa-ospital sa tuwing may magkakasakit sa pamilya.

Pagdidiin pa ni Lee, kailangan nang itaas ng PhilHealth ang coverage nito dahil hindi na talaga ito responsive sa hospitalization cost ngayon.

—Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author