dzme1530.ph

Plenary debates sa panukalang 2024 National Budget, sisimulan na ng senado

Sisimulan na ng Senado ngayong Miyerkules ang deliberasyon para sa 2024 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva na ngayong araw ay ilalatag na ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang kanilang bersyon ng panukalang pambansang pondo.

Bukas naman, sisimulan na ang plenary deliberations para sa panukalang pondo ng iba’t ibang ahensya at opisina ng gobyerno.

Sinabi ni Villanueva na para sa plenary deliberations ay magsisimula ng alas-10 ng umaga ang kanilang mga sesyon at magtutuloy-tuloy na ito hanggang matapos ang ahensyang naka-schedule na talakayin sa araw na iyon.

Nitong Sabado, nai-turn over ng Kamara sa Senado ang naaprubahan nilang bersyon ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sinabi na rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target na maaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 2024 GAB sa November 27.

—Ulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News

About The Author