INIREKOMENDA ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na bumuo ng Task Force para matutukan ang imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay kay Juan Jumalon sa Misamis Occidental.
Kasabay ito ng mariing pagkondena ng lider ng Senado sa panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa bansa.
Pinatitiyak din ni Zubiri sa mga atoridad na agad na arestuhin at kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpatay upang maigawad ang hustisya sa mamamahayag.
Iginiit ng Senador na dapat gamitin ang Full Force of the Law upang mapabilis ang pagresolba sa kaso.
Si Jumalon ang ikalawang mamamahayag na napatay ngayong taon at ika-apat sa ilalim ng administrasyong Marcos.
—Ulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News