MULING tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatanggalan nila ng Confidential Fund ang lahat ng civilian agencies na hindi dapat tumanggap ng pondo.
Sa kabila nito, wala pang inilalabas na report mula sa binuo nilang Senate Special Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds (CIF)
Ipinaliwanag ni Zubiri na bago pa man nagdesisyon ang Kamara na tanggalan ng CIF ang ilang Civilian Agencies ay una nila ito pinag-usapan sa Senado.
Kinumpirma naman ng Senate Leader na magsasagawa sila ng ‘All Senators Caucus’ upang pag-usapan ang CIF.
Magbibigay aniya ng report si Senator Sonny Angara bilang Chairman ng Senate Committee on Finance hinggil sa mga Amendments sa CIF.
Para kay Zubiri, kung gusto ng mga civilian agencies gaya ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng CIF ay dapat ilagay na nila ito sa Line-Item Budget (LIB) ng ahensya o kaya ay sa kanilang Maintenance and Other Operating Agencies (MOOE) upang hindi sila mabawasan ng budget at sasailalim ito sa proseso ng audit ng Commission on Audit (COA) at hindi Confidential.
—Ulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News