Inaasahan ng pamunuan ng Manila South Cemetery na balik na sa pre-pandemic level na lagpas sa 600,000 ang dadagsa sa sementeryo hanggang sa Nobyembre 2 dahil wala ng COVID-19 restrictions.
Kaya naghanda ng shuttle service ang pamunuan ng sementeryo para sa mga Senior Citizen, Buntis, at Persons With Disabilities (PWD).
Bagama’t nasa Lungsod ng Makati, ang Lungsod ng Maynila ang mayroong hurisdiksyon sa Manila South Cemetery.
Pinayuhan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga dadalaw sa sementeryo na kung mayroong nararamdamang hindi maganda sa katawan ay huwag nang tumuloy.
Mainam pa rin aniyang magsuot ng face mask bilang proteksyon, lalo na’t siksikan at maraming tao.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera