dzme1530.ph

Kapakanan ng kabataan, pinatututukan sa mga bagong halal na SK Officials

Binigyang-diin ni Senador Christopher Bong Go ang kahalagahan ng pagrespeto sa proseso ng demokrasya at boses ng taumbayan matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kasabay nito, hinimok ni Go ang mga bagong halal na opisyal na pahalagahan ang responsibilidad na ipinagkaloob sa kanila ng mga botante.

Hinikayat ng senador ang mga bagong halal partikular ang mga SK officials na isapuso ang tungkulin at unahin ang kapakanan ng mga pinakanangangailangan.

Ipinaalala nito sa youth leaders na pinagkatiwalaan sila ng kabataan kaya’t dapat iprayoridad ang kapakanan ng kanilang constituents lalo na ang mahihirap, nawawalan ng pagasa at walang mahingan ng tulong.

Muling ipinaalala ng Senador na ang “public office is a public trust” kaya’t hindi dapat sirain at biguin ang mga mamamayan.

—Ulat ni Dang Garcia

About The Author