Popostehan ng mga Pulis ang likurang bahagi ng Manila North Cemetery kung saan tumatawid ang mga ayaw dumaan sa Main Gate ng sementeryo.
Sa mga bahay kasi sa likod ng sementeryo ay mayroong mga lagusan na ginawa ang mga residente kung saan naniningil sila ng piso sa mga tatawid kapag ordinaryong araw pero mas mataas ang singil kapag Undas.
Nilagyan na ng Manila North Cemetery ng mga nitso o “apartment” kung tawagin, ang likurang bahagi ng semeteryo para sarahan sana ang mga bahay na nagpapa-ober da bakod pero mas naging matarik lang ang ginawang hagdan ng mga residente.
Sinabi ng pamunuan ng sementeryo na i-a-assess muna ng City Engineer ang pundasyon kung kakayanin pang magdagdag ng mga nitso upang tuluyan nang maisara ang mga ilegal na lagusan.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News