Magpapadala ang Czech Republic ng Trade Mission sa Pilipinas sa susunod na taon, para sa posibleng pagtutulungan sa depensa, agrikultura, at iba pang larangan.
Inihayag ni Czech Ambassador to the Philippines Karel Hejč na tutungo sa Pilipinas ang ilan sa kanilang matataas na opisyal kabilang ang mga miyembro ng Czech Foreign Committee Parliament upang talakayin ang defence at security issues sa regional geopolitics.
Sinabi pa ng Czech envoy na kung makabibisita ang Pangulo sa Czech Republic handa silang ipakita ang mga industriya na maaaring makipagtulungan sa Militar at Coast Guard ng Pilipinas.
Kinumpirma naman ni Marcos na nag-aalok ang Czech Republic ng Sea Vessels para magamit sa Maritime Security ng bansa.
Samantala, pinaplano ring papuntahin sa bansa ang Czech Minister of Agriculture para sa usaping pang agrikultura.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News