dzme1530.ph

Pagtataas sa 20% sa Ethanol Blend, target bago matapos ang taon

Target maaprubahan bago matapos ang taon ang boluntaryong pagtataas sa 20% mula sa 10% sa Blend o halong Ethanol sa gasoline upang mapababa ang presyo nito sa merkado.

Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla na ang paghahalo ng Ethanol ay maaaring makabawas ng hanggang 1.28 sentimos sa kada litro ng gasolina.

Ayon kay Lotilla, sa kasalukuyan ay mas mura ang imported Ethanol kumpara sa local, kaya’t nakikitang mas bababa ang presyo ng langis kung imported Ethanol ang gagamitin.

Tiniyak naman ng DOE Chief na ang pagtataas sa volume ng Ethanol sa gasolina ay hindi makaa-apekto sa performance sa mga sasakyan o makina, dahil sa brazil umano ay umaabot sa 80% ang Ethanol blend sa Gas.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author