Mahigit 187, 000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) ngayong nagsimula na ang sampung araw na kampanya para sa nalalapit na 2023 Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, naka-heightened alert ang kanilang puwersa para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang Campaign period hanggang Undas.
Mayroon din aniyang direktiba si PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. sa mga field commanders na paiiralin ang “maximum tolerance” sa mga kandidatong di susunod sa pinatutupad na guidelines ng Commission on Elections.
Tiniyak din ng PNP official na patuloy ang implementasyon ng ‘money ban’ kung saan pinagbabawalan ang kandidato na magbitbit ng 500,000 o higit pang pera para maiwasan ang vote buying.
Ipinatutupad ang ‘money ban’ limang araw bago ang eleksyon.
—Ulat ni Joana Luna, via DZME News